|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, humahadlang sa pag-unlad ng maraming bansang Asyano ang atrasadong imprastruktura at kakulangan sa pondo. Ayon sa pagtaya ng Asian Development Bank, hanggang sa taong 2020, kinakailangan ng iba't ibang bansang Asyano ang di-kukulangin sa 8 trilyong Dolyares, para makaabot ang kani-kanilang mga imprastruktura sa karaniwang pamantayan ng daigdig. Pero, ang kasalukuyang mga pandaigdig na sistemang pinansyal na gaya ng World Bank at International Monetary Fund ay hindi makakatugon sa pangangailangang ito.
Batay sa kalagayang ito, iminungkahi ng Tsina ang pagtatatag ng AIIB, bilang pagkatig sa konstruksyon ng imprastruktura ng mga bansang Asyano, para pasulungin ang kabuhayan sa rehiyong ito.
Samantala, dahil sa nabanggit na pangangailangan ng mga bansang Asyano sa imprastruktura, at malaking pagkakataong komersyal sa likod nito, nakakaakit naman ang AIIB sa mga bansa sa labas ng Asya, para lumahok sa bangkong ito.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang pagtatatag ng AIIB ay hindi lamang usaping pangkabuhayan, kundi rin palatandaan sa pagbabago ng pandaigdig na kayarian ng pulitika at kabuhayan. Anila, ang paglahok ng mga bansa sa AIIB ay hindi nangangahulugang pumanig ang mga bansang ito sa Tsina, kundi pumanig sila sa tunguhing itatag ang isang kooperatibo at inklusibong kayariang may multipolarity at win-win situation.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |