Sa kanyang paglahok kamakailan sa Boao Forum for Asia, binigyan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ng mataas na pagtasa ang pagtatatag ng ASEAN Community.
Sinabi ni Wang na ang ASEAN Community ay magiging kauna-unahang subrehiyonal na komunidad sa kasaysayan ng Asya, at mahalaga ito para sa integrasyon ng Asya. Aniya pa, ang pagtatatag ng ASEAN Community ay magkakaloob din ng bagong pagkakataon para sa pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng Community of Common Destiny.
Sinabi rin ni Wang na bilang magandang kaibigan at katuwang ng ASEAN, patuloy na kakatigan ng Tsina ang pagtatatag ng ASEAN Community, pag-unlad ng organisasyong ito, at pagpapatingkad nito ng namumunong papel sa kooperasyon ng Silangang Asya. Dagdag pa ni Wang, tutulong ang Tsina sa ASEAN sa pagpapaliit ng agwat ng mga kasaping bansa nito, para isakatuparan ang panlahat ng pag-unlad ng ASEAN.
Salin: Liu Kai