Noong Ika-29 ng buwang ito, pinipili ng mga magsasaka ang unang dahon ng puno ng tsaa sa Nayong Zhongxi ng Bayang Rao'er sa Lunsod ng Dexing sa Probinsyang Jiangxi sa dakong Timog ng Tsina.
Ang green tea na mula sa unang dahong sumibol bago ang Tomb Sweeping Day ng Tsina (Ika-5 ng Abril ng taong ito), mula't mula pa'y, tinaguriang pinakamagaling ang kalidad sa buong taon. Pagkaraan ng pagpapahinga sa panahon ng buong tag-lamig, naging napakarami ng sustansya sa loob ng mga tea trees, mayaman sa vitamin at napakabango at masarap ang lasa ng dahon, makakabuti sa pagpapanatili ng kalusugan ng tao. Dagdag pa, dahil sa mababang temperature sa tag-lamig, hindi dinapuan ang mga halaman apekto ng sakit at insekto, kaya hindi kailangan gamitin ang chemical fertilizer at walang polusyon. Ang spring tea ay nakatanggap ng mainit na pagtanggap sa pamilihan sa buong daigdig.