Sinabi kahapon ni Prajin Juntong, Ministro ng Komunikasyon ng Thailand, na isasagawa ng kanyang bansa ang mga "espesyal na hakbangin" para mapalakas ang seguridad ng abiyasyong sibil. Ito aniya ay naglalayong maigarantiya ang maayos na operasyon ng mga bagong international flights ng bansa.
Ani Prajin, pagkaraang ilakip ng International Civil Aviation Organization (ICAO) ang Thailand sa listahan ng mga bansang may grabeng panganib sa seguridad ng abiyasyong sibil noong unang dako ng kasalukuyang taon, ipinatalastas ng Hapon noong isang linggo ang pagbabawal ng mga bagong flights mula sa Thailand. Ikinababahala aniya ng Thailand ang negatibong epekto dulot ng naturang pangyayari.
Salin: Li Feng