Kamakailan, ipinadala ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ang diplomatic note sa Embahada ng Malaysia sa Pilipinas na nagsasabing maaaring itakwil ng Pilipinas ang soberaniya ng Sabah, kapalit ng pagkatig ng Malaysia sa mungkahi ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea. Pero, sa preskong idinaos kahapon, pinabulaanan ang naturang balita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas.
Sa naturang preskon, kinumpirma ni ASec.Charles Jose, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na tiyak na ipinalabas ng kanyang bansa ang naturang diplomatic note, pero ang nilalaman nito ay walang kinalaman sa Sabah.
Salin:Sarah