Mga kaibigan, tiyak na kilala ninyo ang Transformers, di ba? Sa Tsina, ginawa ang mga ito ng dalawang magsasaka, mag-ama na sina Yu Zhilin at Yu Lingyu, galing sa Nayon ng Caotian, Lalawigang Hunan. Kumuha ang mag-ama ng mga lumang piyesa ng kotse, sinunod ang mga larawan sa internet, at ginawa ang mga modelo ng Transformer Robots na sina Optimus Prime at Bumblebee. Ang mga Transformers ay hindi lamang nakakaakit ng maraming bisita, kundi nagdulot ng kita para sa kanila.
2007, nagka-ideya sa paggawa ng Transformer Robot si Yu Zhilin, ama na dating nag-aral ng art. Walang tulong mula sa labas, ginugol niya ang 3 taon para gawin ang unang pangkat ng model ng Transformers noong 2010. Pagkaraan ng ilang taong pagsisikap, itinayo din nila ng anak ang workshop para sa paggawa nito. Ngayon, lumabas na ang kanilang Transformers, mas maraming kompanya o tao ang bumili o umupa mula sa kanila. Ngayon, nagdulot ang negosyong ito sa mag-ama ng mahigit isang milyong Yuan RMB kita bawat taon.
Salin: Andrea