Sa panahon ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia kamakailan, idinaos ang seremonya ng pagsisimula ng "taon ng kooperasyong pandagat ng Tsina at ASEAN." Dumalo at nagtalumpati sa aktbidad na ito si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Sinabi ni Yang na ang taong ito ay taon ng kooperasyong pandagat ng Tsina at ASEAN, at sa okasyong ito, isasagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pragmatikong kooperasyong may kinalaman sa dagat. Ayon sa kanya, ang mga nakatakdang plano ay kinabibilangan ng pagbuo ng sentro ng kooperasyong pandagat ng Tsina at ASEAN, pagbubukas ng hotline service ng Tsina at ASEAN para sa pangkagipitang tulong sa dagat, pagtatatag ng maritime academy ng Tsina at ASEAN, at iba pa.
Dagdag pa ni Yang, umaasa ang Tsina na ang kooperasyong pandagat ay magiging bagong tampok sa pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, at bagong lakas na tagapagpasulong sa pagtatatag ng 21st-Century Maritime Silk Road.
Salin: Liu Kai