|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ng mga eksperto na pagkaraan ng pagtanggap sa mga bansang tagapagtatag, ang usapin ng AIIB ay pumasok sa isang bago, masalimuot at masusing yugto ng pagtatakda ng karta ng mga tuntunin.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina, mula kamakalawa hanggang kahapon, idinaos sa Almaty, Kazakhstan ang ikatlong talastasan hinggil sa pagtatatag ng AIIB. Tinalakay ng mga kalahok ang rebisadong burador na karta ng nasabing bangko.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhou Qiangwu, mataas na opisyal ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina, na para tapusin ang pagtatakda ng karta ng AIIB bago ang katapusan ng darating na Hunyo ng taong ito, marami pang ganitong talastasan ang idaraos. Dagdag pa niya, isang multilateral na organo ang AIIB, at mahalaga ang pagkakaroon ng komong ideya ng iba't ibang panig para sa pagtatakda ng karta ng bangkong ito.
Ipinalalagay naman ni Liu Junbo, eksperto ng China Institute of International Studies, na sa proseso ng pagtatakda ng karta ng AIIB, marami ang mga mahalagang isyu, at isa sa mga ito ay decision-making mechanism ng AIIB na matagal na binibigyang-pansin at tinatalakay ng iba't ibang panig.
Ayon sa iskedyul, pagkaraan ng ika-31 ng Marso, ang mga bansang hindi pa nagharap ng aplikasyon para maging bansang tagapagtatag ng AIIB ay puwede ring lumahok sa bangkong ito bilang karaniwang kasapi. Babalangkasin at lalagdaan ang karta ng AIIB bago ang katapusan ng darating na Hunyo, at tatapusin naman ang mga prosidyur ng pagkabisa ng kartang ito bago ang katapusan ng taong ito. Hanggang sa panahong iyon, pormal na maitatatag ang AIIB.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |