|
||||||||
|
||
Kinumpirma kahapon ng Ministri ng Pinansiya ng Tsina na opisyal na nag-aplay kahapon ang Iceland at Portugal para sumapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sa gayon, umabot na sa 51 ang bilang ng mga bansang naging o nakahanda nang maging miyembrong tagapagtatag ng AIIB.
Bukod sa nasabing dalawang bansang Europeo, Tsina at Pilipinas, ang iba pang 47 bansang sumapi na o nakahanda nang sumapi ng AIIB ay Bangladesh, Brunei, Cambodia, Tsina, India, Indonesia, Jordan, Kazakhstan, Kuwait, Laos, Maldives, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, New Zealand, Oman, Pakistan, Qatar, Saudi Arabia, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Uzbekistan, Biyetnam, Tajikistan, Timog Korea, Israel, Sweden, Norway, Kirgizstan, Australia, Pransiya, Italya, Alemanya, Rusya at Denmark.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |