Nailikas na kahapon ang mga Tsinong naninirahan sa Yemen, mula sa Aden Port patungo sa Djibouti, sakay ng warship Linyi ng hukbong pandagat ng Tsina. Samantala, isinakay din ng barkong ito ang 225 dayuhang naninirahan sa Yemen, na galing sa Pakistan, Ethiopia, Singapore, Italy, Germany, Poland, Ireland, England, Canada, at iba pa.
Ang nasabing makataong aksyon ay alinsunod sa kahilingan ng nasabing mga bansa.
Nauna rito, walong taga-Romania, India at Egypt ang nailikas din mula sa Yemen, sakay ng isa pang barkong Tsino.