Ayon sa "The Jakarta Post" ng Indonesia, sa closed-door meeting na idinaos kamakalawa sa pagitan nina Coordinating Political, Legal and Security Affairs Minister Tedjo Edhy Purdijatno, at Tjahjo Kumolo, Ministro ng Suliraning Panloob ng Indonesia, at Kongreso ng bansa, opisyal na naiharap ang mungkahing rebisahin ang Anti Terrorism Law.
Sa naturang pulong, ipinahayag ni Tjahjo Kumolo na nakababahala ang paglakas ng "Islamic State (IS)," kaya dapat agarang isagawa ang paghahanda at balangkasin ang isang kompletong sistemang pambatas.
Salin: Li Feng