|
||||||||
|
||
Bumisita kahapon sa Manila Chinese Cemetery si Zhao Jianhua, Embahador Tsino sa Pilipinas, para mag-alay ng mga sakripisyo ng mga martyr Tsino sa digmaan ng paglaban sa pananalakay ng Hapon sa Pilipinas noong World War II.
Sinabi niya na ang naturang mga martyr Tsino ay nagpakita ng diwa ng Nasyong Tsino sa paglaban sa pananalakay at pag-ibig ng kapayapaan.
Sinabi pa niya na nitong nakalipas na mahabang panahon, ang mga overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas ay gumanap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagkakaibigan at pagpapalagayan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Umaasa aniya siyang ibayo pang palalalimin ng dalawang bansa ang pagkakaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para makapagtasama ang kanilang mga mamamayan ng pangmatagalang kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |