Sinimulan ngayong araw ang 4-araw na opisyal na pagdalaw sa Tsina ni Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party of Vietnam (CPV). Ito ang ikalawang pagdalaw sa Tsina ni Nguyen, at isa ring malaking pangyayari para mapabuti ang relasyon ng Tsina at Biyetnam, pagkaraang maganap noong isang taon ang hidwaan ng dalawang bansa sa isyung pandagat.
Sa panahon ng pagdalaw na ito, makikipagtagpo kay Nguyen Phu Trong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party of China (CPC), at Pangulo ng bansa. Itatakda nila ang direksyon at blueprint ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Ito ay mahalaga para sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai