|
||||||||
|
||
HANOI, Biyetnam—Nagkasundo kahapon dito si Punong Ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam at ang kanyang dumadalaw na counterpart mula sa Rusya na si Dmitry Medvedev ng Rusya na ibayo pang palakasin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan din ng dalawang punong ministro na ipagpatuloy ang pagdadalawan ng mga opisyal sa iba't ibang antas, payayamanin ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan, at pahihigpitin ang pagkakatigan sa isa't isa sa arenang pandaigdig.
Binigyang din ng dalawang lider ng mataas na pagtasa ang pagtutulungan ng Biyetnam at Rusya sa larangan ng langis, nuclear power, pagmimina, agrikultura, teknolohiyang militar at pagsasanay sa mga tauhang militar. Nagpasiya rin silang palawakin ang pagtutulungan sa paggagalugad sa enerhiya, siyensiya't teknolohiya, kultura, turismo at edukasyon.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |