Sa kanyang pakikipag-usap sa mga kalahok na kinatawan mula sa Thailand, Cambodya, Laos, Myanmar at Vietnam para sa kauna-unahang Senior Foreign Affairs Officials' Meeting of Lancang-Mekong River Dialogue and Cooperation sa Beijing, ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na ang mga bansa sa magkabilang pampang ng Mekong River ay nagsisilbing mahalagang kasama ng Tsina sa pagtatatag ng komunidad ng kapalaran sa Asya at pagpapasulong ng ideyang "One Belt and One Road." Aniya, ang Lancang-Mekong River Dialogue and Cooperation Mechanism ay hindi lamang angkop sa komong interes ng anim na may-kinalamang bansa sa Lancang-Mekong River Sub-region, kundi makakatulong din sa pagtatatag ng integrasyon ng ASEAN, pag-unlad ng relasyon sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at kooperasyong panrehiyon ng Silangang Asya.
Ipinahayag naman ng naturang limang bansa ang pag-asang pahihigpitin ng kasalukuyang pagtitipon ang pagtitiwalaang pampulitika, pagtutulungang pangkabuhayan, at sustenableng pag-unlad ng Lancang-Mekong River Sub-region.