|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa Beijing sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party of China (CPC) at Pangulo ng Tsina, at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Communist Party of Vietnam (CPV).
Binigyang-diin ng dalawang lider na dapat pahalagahan at pangalagaan ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam, at igiit ang patakaran ng pagpapaunlad ng bilateral na relasyon na nagtatampok sa pangmatagalang katatagan, pagharap sa hinaharap, pangkapitbansang pagkakaibigan, at komprehensibong kooperasyon. Ito anila ay para patuloy na pasulungin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at idulot ang mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Sinang-ayunan din ng dalawang lider na magkakasamang magsikap ang Tsina at Biyetnam, para maayos na hawakan ang pagkakaiba sa isyung pandagat, at pangalagaan ang kapayapaan at katatatagan ng South China Sea.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |