Naglilinis ba kayo ng bahay? Nakakapagod ito, di ba? Nasubukan na ba ninyong maglinis sa matarik na dalisdis? Hindi lamang nakakapagod ito, kundi mapanganib din. Pero, ito ang trabaho ng mga sanitation workers sa Bundok Tianmen, isang kilalang-kilalang lugar na panturista sa Zhangjiajie sa Lalawigang Hunan ng Tsina.
Mula sa cliff path sa halos taluktok ng Bundok Tianmen, bumaba ang mga sanitation workers na parang "spiderman" sa matarik na dalisdis na mahigit 1,400 metro ang taas, para alisin ang mga basurang iniwan ng mga tursita na nasa sangay ng mga puno o nahulog sa kailaliman ng dalisdis.
Ilang larawan ang kinuha kamakailan para ipakita ang mapanganib na trabaho ng naturang mga sanitation workers, at maraming netizens ang natakok sa mga nakitang litrato. Habang bumilib sa mga sanitation workers, sinabi rin ng mga netizens na dapat buong higpit na ipagbawal ang pagkakalat sa Bundok Tianmen, para bawasan ang dalas ng mapanganib na trabahong ito ng mga sanitation workers.
Editor: Liu Kai
1 2