Mula ika-19 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan, itataguyod sa Jakarta ng Indonesia ang "World Economic Forum" upang mahikayat ang pamumuhunan mula sa mga dayuhang mangangalakal. Upang mapasulong ang sustenable at mabilis na paglaki ng kabuhayan, sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Pamahalaang Indones para mahikayat ang pagpasok ng mga dayuhang pondo sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura ng bansa.
Ipinahayag ni Rachmat Gobel, Ministro ng Kalakalan ng Indonesia, na upang maisakatuparan ang iba't-ibang hakbangin ng reporma sa kabuhayan na iniharap ng Pangulong Indones, umaasa ang Indonesia na sa pamamagitan ng pagtataguyod ng nasabing porum, mahihikayat ang mas maraming pamumuhunang pandaigdig na pumasok sa Indonesia.
Salin: Li Feng