Idinaos kahapon sa Beijing ang isang pandaigdig na seminar hinggil sa konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road.
Lumahok sa seminar ang mga iskolar mula sa mahigit sampung bansa sa kahabaan ng naturang maritime silk road na gaya ng Tsina, Indonesya, Thailand, Biyetnam, Myanmar, Kambodya, Singapore, Indya, Sri Lanka, at iba pa. Tinalakay nila ang hinggil sa kahalagahan ng konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road, at pagkokoordina at pagtutulungan ng mga bansang Asyano sa usaping ito.
Ipinahayag ng mga kalahok na iskolar na ang 21st Century Maritime Silk Road ay makakatulong sa pagbabahagi ng iba't ibang bansa ng mga pagkakataong dulot ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, at makakabuti rin sa kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong Asya-Pasipiko. Ipinalalagay din nilang ang di-matatag na kalagayang pulitikal sa ilang bansa sa kahabaan ng nabanggit na maritime silk road at mga mainit na isyung panrehiyon ay magiging banta sa usaping ito, kaya dapat maayos na hawakan ang naturang mga isyu.
Salin: Liu Kai