Nagbigay-patnubay kahapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa gawain ng konstruksyon ng daambakal ng bansa.
Tinukoy ni Li na ang daambakal ay mahalagang imprastruktura na makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, sa taong ito, dapat patuloy na pasulungin ang mga proyekto ng konstruksyon ng daambakal, lalung-lalo na sa gawing gitna at kanluran ng Tsina.
Ayon sa nakatakdang target, itatayo ng Tsina sa taong ito ang mahigit 8 libong kilometrong daambakal, at ang gawing gitna at kanluran ng bansa ay priyoridad ng konstruksyon ng daambakal.
Salin: Liu Kai