Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng Department of Homeland Security ng Amerika, sa pagdalaw kamakailan sa Tsina ni Jeh Charles Johnson, Secretary of Homeland Security, narating ng panig Amerikano at panig Tsino ang komong palagay hinggil sa pagpapasimple ng Amerika ng mga prosidyur ng pagbabalik ng mga bulok na opsiyal sa Tsina.
Dumalaw sa Tsina si Johnson noong ika-9 at ika-10 ng buwang ito. Nakipagtagpo sa kanya sina Meng Jianzhu, Kalihim ng Central Political and Legal Affairs Commission, at Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina. Tinalakay nila ang mga isyung kinabibilangan ng paglaban sa terorismo, adwana, pandarayuhan, cyber security, at iba pa.