Ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na bagama't kinakaharap ang iba't ibang hamon, nananatiling matatag ang pundasyon ng kabuhayan ng kanyang bansa, at unti-unting isinasakatuparan ang mga target na itinakda para sa taong 2020.
Sinabi ni Razak na hanggang sa kasalukuyan, ang kabuuang halaga ng kita ng mga mamamayan ng Malaysia ay lumaki ng 47.7% kumpara sa taong 2009, ang stock index naman sa kasalukuyan ay lumaki ng 140% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at samantala, 6% ang paglaki ng GDP ng Malaysia noong isang taon.
Binigyang-diin niyang ang mga natamong bunga ng kabuhayan ng Malaysia ay kinikilala ng mga pandaigdig na organisasyong pangkabuhayan na gaya ng World Economic Forum, International Monetary Fund, at World Bank.
Salin: Liu Kai