Sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas ng ika-54 na taunang pulong ng Asian-African Legal Consultative Organization, na idinaos kahapon sa Beijing, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang limang paninindigan hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Asya at Aprika, kabilang dito ang pagpapasulong ng mas makatarungan at makatuwirang kaayusang pampulitika ng daigdig, at pangangalaga sa nangungunang papel ng UN sa kaayusang pandaigdig na naitatag pagkaraan ng World War II; pagpapasulong ng mas bukas at makatuwirang kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig, at pagsasakatuparan ng pagkokomplemento ng bentahe at magkasamang pag-unlad, batay sa pagsasanib sa ideya ng "One Belt and One Road" na itinaguyod ng Tsina at planong pangkaunlaran na binalangkas ng mga may-kinalamang bansa; maayos na paglutas sa mga di-pa nalulutas na isyu, sa pamamagitan ng mapayapang paraan, para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon at daigdig; magkasamang pagharap sa ibat-ibang hamon mula sa mga di-tradisyonal na larangang panseguridad, na gaya ng pagbabago ng klima, terorismo, cyber security, epidemiya at natural na kapahamakan; pagpapalalim ng pagtutulungan at pagpapalitan sa pangangasiwa alinsunod sa pandaigdig na batas, at pangangalaga sa kapangyarihan ng pandaigdig na batas.
Bilang tanging plataporma ng Asya at Aprika sa pagpapalitan ng pandaigdig na batas, naitatag ang nasabing organisasyon noong 1956, batay sa diwa ng BanDung Conference noong 1955. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng 47 kasaping bansa at 2 bansang tagamasid.