Nagpatawag kahapon sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng isang talakayan hinggil sa kalagayang pangkabuhayan ng bansa, na nilahukan ng mga ekonomista at entrepreneur.
Sa talakayan, isinalaysay ng mga kalahok ang kani-kanilang palagay hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng kabuhayang Tsino at pag-unlad ng mga bahay-kalakal.
Sinabi naman ni Premyer Li na sa kasalukuyan, nananatiling matatag ang kabuhayang Tsino, pero lumalakas ang presyur sa kabuhayan. Aniya, bilang tugon sa mga bagong lumitaw na kalagayan, isasagawa ng pamahalaan ang iba't ibang uri ng patakaran, para igarantiya ang pagpapatupad ng mga pangunahing target ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan, pagdaragdag ng hanapbuhay, at pagpapataas ng pakinabang ng mga bahay-kalakal.
Salin: Liu Kai