|
||||||||
|
||
Sapul nang iharap ng Tsina ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng AIIB noong Oktubre, taong 2013, hanggang sa kasalukuyan, dumarami ang pagkatig sa usaping ito, at umuunti ang pagdududa.
Kinakatigan ng maraming bansa ang pagtatatag ng AIIB, dahil una, nagkakaroon ito ng malaking papel sa pamumuhunan sa konstruksyon ng imprastruktura na kailangang kailangan ng mga bagong-sibol na ekonomiya na kinabibilangan ng mga bansang Asyano. Ikalawa, ito rin ay mahalagang suplemento sa kasalukuyang mga multilateral na organong pinansyal, at makakabuti ito sa bagong pandaigdig na kaayusang pangkabuhayan.
Ang pagiging bukas at inklusibo ng Tsina sa pagtatatag ng AIIB ay nagbawas naman ng pagdududa sa usaping ito. Bilang isang plataporma ng kooperasyon, tinanggap na ang maraming bansa mula sa iba't ibang rehiyon ng daigdig bilang bansang tagapagtatag ng AIIB, at kabilang dito ay mga umuunlad na bansa, mayayamang bansa, bansang may malaking bolyum ng yamang mineral, at iba pa. Magdudulot ang AIIB ng iba't ibang uri ng pagkakataon sa mga bansang ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |