Ayon sa pahayagang Myanmar Business Daily, ipinahayag kamakailan ng namamahalang tauhan ng Securities and Exchange Commission ng Myanmar na bago pormal na isaoperasyon ang Yangon Stock Exchange sa darating na Oktubre, isasagawa ang mas mahigpit na limitasyon sa mga dayuhang stock investors para mapigilan ang pagkontrol ng mga dayuhang mamumuhunan ng stock market.
Sa kasalukuyan, hindi pinahihintulutan ng Securities and Exchange Commission ng Myanmar ang pamumuhunan ng mga dayuhang investors sa Yangon Stock Exchange.
Salin: Li Feng