Sa kanyang talumpati sa taunang pulong ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) na idinaraos sa Washington D.C., Amerika, inilahad ni Zhu Guangyao, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina, ang ginagampanang papel ng kanyang bansa sa pandaigdig na sistemang pinansyal.
Sinabi ni Zhu na sapul nang lumahok sa IMF at WB noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, aktibong nakikilahok ang Tsina sa pandaigdig na sistemang pinansyal, at nagbibigay ng ambag para rito. Aniya, ang Asian Infrastructure Investment Bank na itinataguyod ng Tsina ay suplemento, sa halip ng kahalili sa World Bank at Asian Development Bank, ibig sabihin, ito ay nagpapalakas sa kasalukuyang pandaigdig na sistemang pinansyal.
Ipinahayag din ni Zhu na bilang mga mahalagang kasaping bansa ng IMF at WB, dapat magtulungan ang Tsina at Amerika para pabutihin ang dalawang organong ito. Hinimok din niya ang Kongreso ng Amerika na pagtibayin sa lalong madaling panahon ang plano ng reporma ng IMF na naglalayong palakasin ang karapatang magsalita ng mga umuunlad na bansa.