Sa Jakarta, Indonesia — Binuksan ngayong araw ang Pulong Ministeriyal ng Asia Africa Conference (AAC) bilang paghahanda para sa gaganaping Pulong ng mga Lider ng Asya at Aprika, at aktibidad ng paggunita sa ika-60 anibersaryo ng Bandung Conference.
Dumalo sa nasabing pulong ang mga delegasyon mula sa 88 bansang Asyano at Aprikano. Dumalo at nagtalumpati rin sa seremonya ng pagbubukas si Retno Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesia.
Ipinahayag ni Retno na sa aktibidad ng paggunita sa ika-60 anibersaryo ng AAC, tatalakayin at ilalabas ng mga kalahok ang hinggil sa, pangunahin na, tatlong dokumentong kinabibilangan ng pagkatig sa Palestina, pagpapalakas ng bagong estratehikong partnership ng Asya at Aprika, at pag-ulit sa diwa ng Bandung.
Salin: Li Feng