Ayon sa isang magkasanib na ulat na ipinalabas ng Ministri ng Pinansya, Ministri ng Industriya at Kalakalan, at Ministri ng Plano at Pamumuhunan ng Biyetnam, noong unang 3 buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa halos 36 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Biyetnam. Ito ay mas malaki ng halos 7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Kasabay nito, sa panahong iyon, umabot naman sa mahigit 37 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng bansang ito na mas malaki ng mahigit 16% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Noong unang kuwarter ng taong ito, halos 2 bilyong dolyares ang trade deficit ng Biyetnam.
Salin: Li Feng