|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon sa Islamabad, Pakistan, sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Nawaz Sharif ng Pakistan. Sinang-ayunan ng dalawang lider na pataasin ang relasyong Sino-Pakistani sa lebel na all-weather strategic and cooperative partnership.
Sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Pakistan. Iniharap niya ang limang mungkahi hinggil dito na kinabibilangan ng pagpapanatili ng madalas na pagpapalagayan sa mataas na antas, pagtatatag ng China-Pakistan economic corridor, pagpapalakas ng kooperasyong panseguridad, pagdaraos ng mga aktibidad ng taon ng pagpapalitang pangkaibigan ng dalawang bansa sa taong ito, at pagpapalalim ng kooperasyon at koordinasyon sa mga malaking isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi naman ni Sharif na ang pakikipagkaibigan sa Tsina ay pundasyon ng diplomasya ng Pakistan. Positibo siya sa kooperasyon ng dalawang bansa sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, sa kabuhaya't kalakalan, at pati sa kultura. Nakahanda aniya ang Pakistan, kasama ng Tsina, na ibayo pang pasulungin ang mga kooperasyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |