|
||||||||
|
||
Sinabi ni Han Feng, eksperto mula sa Chinese Academy of Social Sciences (CASS), na noong 60 taong nakaraan, iniharap ng mga umuunlad na bansa ang diwa ng Bandung Conference na nagtatampok sa pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagtutulungan. Aniya, sa ilalim ng bagong kalagayang pandaigdig, papatnubayan ng diwang ito ang mga umuunlad na bansa, para hanapin ang isang bagong paraan ng pag-unlad.
Ipinalalagay naman ni Zhang Xuegang, eksperto mula sa China Institute of Contemporary International Relations, na ang bagong Asia-African Conference ay magbibigay ng mas malaking pansin sa pragmatikong kooperasyon. Aniya, may pag-asang ipapalabas sa pulong na ito ang mga konkretong proyekto at plano, para palakasin ang kooperasyon ng mga bansang Asyano at Aprikano.
Sinabi naman ni Xu Liping, eksperto rin mula sa CASS, na noong dati, hindi sapat ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng mga bansang Asyano at Aprikano, at ito ang dahilan kung bakit walang substansyal na progreso ang kooperasyon ng mga bansang ito. Kaya aniya, dapat palakasin ng mga bansang Asyano at Aprikano ang pagpapalitan ng mga mamamayan, para mapalalim ang kanilang pag-uunawaan at pagtitiwalaan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |