Idinaos kahapon sa Punong Himpilan ng UN sa New York ang porum hinggil sa Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road Initiative."
Sinabi sa porum ni Sam Kutesa, Tagapangulo ng United Nations General Assembly (UNGA), na ang "One Belt One Road Initiative" na iniharap ng Tsina ay bagong paraan para sa kooperasyong pandaigdig. Umaasa aniya siyang pasusulungin nito ang pagtutulungan at pag-unlad ng lahat ng mga bansa sa kahabaan ng "One Belt One Road."
Salin: Liu Kai