Isang talumpati ang binigkas ngayong araw, sa Pakistan, ni Pangulong Xi Jinpin ng Tsina na may temang "Pagkakatatag ng fate community ng Tsina at Pakistan, at pagpapalawak ng kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa". Sa talumpati, mataas na pinahalagahan ni Pangulong Xi ang pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Pakistan. Binigyan-diin niyang dapat walang humpay na pasulungin ang fate community ng dalawang bansa. Isinalaysay rin ni Pangulong Xi ang ideya ng Tsina sa mapayapang pag-unlad, at inilahad ang patakarang pangkaibigan ng Tsina sa Timog Asya. Ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga bansa ng Timog Asya para isakatuparan ang magkakasamang pag-unlad at kasaganaan.
Salin:Sarah