|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at si Pangulong Joko Widodo ng Indonesya
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, na 60 taon ang nakaraan, idinaos sa Bandung, Indonesya ang Asian-African Conference na tinatawag ding Bandung Conference. Aniya, ang pulong na ito ay palatandaan ng pagsisimula ng mga bansang Asyano at Aprikano ng kanilang sariling posisyon sa daigdig bilang mga nagsasariling bansa. Ang kasalukuyang Asian-African Summit naman aniya ay nagtatampok sa ibayo pang pag-unlad ng mga bansang Asyano at Aprikano.
Nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Asian-African Summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina
Nagtalumpati naman sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Binigyan niya ng mataas na pagtasa ang Bandung Conference, at sinabi niyang sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, mahalaga pa rin ang diwa ng pulong na ito para sa pagtatatag ng bagong tipo ng relasyong pandaigdig.
Mga kalahok sa Asian-African Summit
Inulit din ni Xi na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon ng Asya at Aprika. Ipinangako niyang sa loob ng taong ito, isasagawa ng Tsina ang serong taripa sa 97% ng mga paninda mula sa mga pinaka-di-maunlad na bansa, at patuloy na ipagkakaloob ang mga tulong na walang pasubaling pulitikal sa mga umuunlad na bansa. Dagdag pa niya, sa loob ng darating na limang taon, tutulungan ng Tsina ang mga umuunlad na bansa sa Asya at Aprika para sa pagsasanay ng 100 libong tauhan, at itatatag din ang isang organong magtatampok sa kooperasyon ng Asya at Aprika.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |