Nagbigay-galang kaninang umaga ang mahigit 100 mambabatas ng Hapon sa Yasukuni Shrine, kung saan nakadambana ang 14 na Class-A Criminals noong World War II.
Nauna rito, muling hinimok kahapon ng Amerika ang Hapon na hawakan ang mga isyung pangkasaysayan na naiwan mula noong WWII, sa pamamagitan ng paraang naglalayon ng "healing and reconciliation." Sinabi ni Tagapagsalita Marie Harf ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na ang kahilingang ito ay konsistente at malinaw na paninindigan ng Amerika. Aniya pa, ipinalalagay ng Amerika na ang matibay at konstruktibong relasyon ng mga bansa sa Silangang Asya ay makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai