Ayon sa ulat ngayong araw ng Ministring Panlabas ng Timog Korea, ikinalulungkot at ikinapopoot ng bansang ito ang pagbibigay-galang ng mga mambabatas na Hapones sa Yasukuni Shrine.
Sinabi ng naturang ministri na ang Yasukuni Shrine ay lugar para sa pagpapaganda ng digmaang mapanalakay na inilunsad ng Hapon, at ang pagbibigay-galang ng mga pulitikong Hapones dito ay palatandaang hindi pa tumpak na pinakikitunguhan ng Hapon ang naturang kasaysayan.
Ayon pa rin sa ministring ito, buong tinding hinihimok ng pamahalaan ng T.Korea ang Hapon na isagawa ang mga aktuwal na aksyon, para magsisi sa kasaysayan ng pananalakay sa ibang bansa, at humingi ng paumanhin hinggil dito. Ito ay tumpak na reaksyon sa hangarin ng mga mamamayan ng T.Korea at Hapon sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ng panig T.Koreano.
Salin: Liu Kai