Ipinalabas ngayong araw ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang plano ng constitutional reform. Ayon sa planong ito, ihahalal ang susunod na punong ehekutibo ng rehiyong ito sa taong 2017 sa pamamagitan ng "universal suffrage."
Kaugnay nito, sinabi ni Leung Chun-ying, kasalukuyang Punong Ehekutibo ng HKSAR, na ang patakarang "isang tao, isang boto" ay angkop sa Saligang Batas ng Hong Kong, komong hangarin ng mga taga-HK, at kapasiyahan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Umaasa siyang kakatigan ito ng buong lipunan at mga miyembro ng Legislative Council ng Hong Kong, para isakatuparan ang universal suffrage sa halalan ng punong ehekutibo sa 2017.
Salin: Liu Kai