|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wang Fan, eksperto mula sa China Foreign Affairs University, na ang diwa ng Bandung Conference ay kinabibilangan ng sampung prinsipyo hinggil sa relasyong pandaigdig, at ang esensya ng mga prinsipyong ito ay paghahanap ng komong paninindigan habang may reserbasyon sa mga pagkakaiba, mapayapang pakikipamuhayan, at paggalang sa isa't isa. Aniya, ang mga ito ay mga saligang prinsipyo, at dapat igiit sa kasalukuyang relasyong pandaigdig.
Ipinalalagay naman ni Zhang Xuegang, eksperto mula sa China Institute of Contemporary International Relations, na ang diwa ng Bandung Conference ay nagtatampok sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Ito aniya ay makakabuti sa pag-unlad ng mga bansang Asyano at Aprikano, para isakatuparan ang komong kaunlaran at komong kasaganaan ng mga bansang ito.
Sinabi naman ni Xu Liping, eksperto mula sa Chinese Academy of Social Sciences, na para itatag ang makatwiran at makatarungang bagong kaayusang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig, dapat igiit ng mga bansang Asyano at Aprikano ang diwa ng Bandung Conference, lalung-lalo na ang ideya nito hinggil sa paglaban sa hegemonismo.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |