Nagtagpo ngayong araw sa Jakarta, Indonesya, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Binigyang-diin ni Xi na sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyon ng Tsina at Kambodya ang mahalagang pagkakataong pangkaunlaran, at patuloy na pasusulungin ng Tsina ang komprehensibo at estratehikong pakikipagtulungan sa Kambodya, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Positibo naman si Hun Sen sa kasalukuyang relasyon at kooperasyon ng Kambodya at Tsina sa iba't ibang larangan. Umaasa aniya ang Kambodya na patuloy na isasagawa, kasama ng Tsina, ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, sa mga aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.
Salin: Liu Kai