Sa okasyon ng pagdaraos ngayon sa Indonesya ng Asian-African Summit at selebrasyon para sa Ika-60 Anibersaryo ng Unang Asian-African Conference na tinatawag ding Bandung Conference, ipinahayag kamakailan ng mga ekspertong Tsino na mahalaga ang diwa ng Bandung Conference para sa ASEAN.
Sinabi ni Zhang Xuegang, eksperto mula sa China Institute of Contemporary International Relations, na ang ASEAN ay itinatag batay sa ideya ng pagpapasulong sa pagkakaisa at komong pag-unlad ng mga bansang Timog-silangang Asya. Ang ideyang ito aniya ay angkop sa diwa ng Bandung Conference.
Sinabi naman ni Han Feng, eksperto mula sa Chinese Academy of Social Sciences, na hango sa diwa ng Bandung Conference, binuo ng ASEAN ang paraan ng paghawak ng mga pagkakaiba at hidwaan na nagtatampok sa kapayapaan, pagtutulungan, hindi pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, at pagkakaroon ng komong palagay batay sa pagsasanggunian. Ito aniya ay makakatulong sa katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai