Sa pakikipag-usap kahapon sa Jakarta kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa harap ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, inaasahang magsisikap ang Tsina at Indonesya para totohanang tupdin ang mga kasunduang narating na ng dalawang panig. Aniya, ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbibgay-suporta sa pagtatatag ng Komunidad ng ASEAN at nangungunang papel ng ASEAN sa kooperasyon ng rehiyong ito.
Mainit na sinalubong naman ni Joko Widodo ang pagdalo ng Pangulong Tsino sa Summit ng Asya at Aprika, at sa pagtitipon bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng Bandung Conference. Umaasa aniya siyang mapapalawak ang pagtutulungan ng Tsina at Indonesya sa ibat-ibang larangan.