Nagtipun-tipon ngayong araw sa Bandung, Indonesya, ang mga lider ng mga bansang Asyano at Aprikano, bilang selebrasyon para sa Ika-60 Anibersaryo ng Unang Asian-African Conference. Idinaos noong 1955 sa Bandung ang naturang pulong, kaya tinatawag din itong Bandung Conference. Kabilang sa mga lider ay si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang selebrasyong ito ay naglalayong balik-tanawin ang diwa ng Bandung Conference na nagtatampok sa pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagtutulungan. Ito ay para pasulungin ang komong kaunlaran at kasaganaan ng mga bansang Asyano at Aprikano. Salin: Liu Kai