Idinaos kahapon sa Shanghai, Tsina ang unang round ng diyalogo ng Tsina at Rusya hinggil sa kaligtasan ng Hilaga-Silangang Asya. Magkasamang pinanguluhan ang naturang aktibidad nina Liu Jianchao, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina at Morguloy Igor, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya.
Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig na magsisikap ang dalawang bansa para ibayo pang pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon para magkasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong Hilaga-Silangang Asya, batay sa diwa ng pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership.