Kaugnay ng katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pakistan at Indonesya, ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Wang Yi na mabunga ang biyaheng ito.
Ayon kay Wang, sa pagdalaw ni Xi sa Pakistan, sinang-ayunan ng dalawang bansa na pataasin ang lebel ng kanilang relasyon, at narating din ang komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Pakistan sa kabuhayan, seguridad, mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at iba pa. Ani Wang, ito ay makakatulong sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Sa pagdalaw naman sa Indonesya, dumalo si Xi sa Asian-African Summit at selebrasyon para sa Ika-60 Anibersaryo ng Unang Asian-African Conference o tinatawag ding Bandung Conference. Sa okasyong ito, iniharap ni Xi ang mga paninindigan hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyong Asyano-Aprikano, at inilahad din niya ang ideya ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng Community of Common Destiny.
Salin: Liu Kai