Natapos kahapon ang ika-33 magkakasanib na pamamatrolya ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand sa Mekong River.
Tumagal ng 4 na araw ang kasalukuyang pamamatrolya. Kalahok dito ang 138 tauhan at 7 bapor mula sa naturang 4 na bansa.
Bukod sa pamamatrolya sa Mekong River bilang tugon sa pagpupuslit ng droga, nagpulong din ang mga kinatawan mula sa 4 na bansa hinggil sa pagpapalakas ng kanilang kooperasyon sa paglaban sa ilegal na pagtawid at krimen ng droga, at pagpapabuti ng kanilang magkakasanib na paghahanap at pagliligtas sa nabanggit na ilog.
Salin: Liu Kai