|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag, sapul nang sumiklab ang krisis ng Syria, namatay ang mahigit 220 libong tao sa bansang ito, at sapilitang lumisan ng tahanan ang kalahati ng populasyon. Samantala, sa kasalukuyan sa Syria, kailangang kailangan ng mahigit 12.2 milyong tao ang makataong tulong.
Bilang tugon sa kalagayang ito, hinimok ng UNSC ang iba't ibang panig ng Syria na itigil ang karahasan, at nanawagan din ito sa komunidad ng daigdig na dagdagan ang tulong sa Syria.
Sa naturang pulong, sinabi naman ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, ang priyoridad ng komunidad ng daigdig ay pagkakaloob ng mas maraming makataong tulong sa Syria. Dapat din aniya pasulungin ang pulitikal na solusyon sa isyu ng Syria, at palakasin ang pagtulong sa bansang ito sa paglaban sa terorismo.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |