|
||||||||
|
||
Isang aftershock na may lakas na 7.1 sa Richter Scale ang naganap kahapon sa Nepal, na nagresulta sa muling pagkakaroon ng snowslide sa Mount Everest.
Dahil sa takot sa panibagong aftershock, marami sa mga apektadong mamamayan ang pansamantalang tumutuloy sa mga tent na gawa sa canvass at karton. Karamihan din sa mga purok na nilindol ay walang elektrisidad, tubig at linya ng komunikasyon.
Ayon sa Ministri ng Suliraning Panloob ng Nepal, hanggang kagabi, umabot na sa mahigit 2,500 ang bilang ng mga nasawi; samantalang mahigit 5,900 naman ang mga naitalang sugatan.
Nang araw ring iyon, dumating sa Nepal ang mga rescue team mula sa ibat-ibang bansa para lumahok sa gawaing panaklolo.
Samantala, nag-abuloy naman ng mga saligang materyal na nagkakahalaga ng 20 milyong Yuan RMB ang Pamahalaang Tsino para sa mga nilindol na purok. Kabilang sa mga naturang materyal ay: tent, kumot, generator, at iba pa.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |