Ipininid kahapon sa Langkawi, Malaysia, ang Ika-26 na ASEAN Summit. Narating ng mga lider ng mga bansang ASEAN ang mahahalagang komong palagay hinggil sa pagtatatag ng ASEAN Community sa katapusan ng taong ito, post-2015 vision ng pagpapaunlad ng ASEAN, pagpapaunlad ng relasyon ng ASEAN sa ibang bahagi ng daigdig, at iba pang isyu.
Pinagtibay sa pulong ang tatlong susunod na deklarasyon: una, Kuala Lumpur Declaration on a People-Oriented, People-Centred ASEAN, na nagtatampok sa pagtatatag ng ASEAN Community; ika-2, Langkawi Declaration on the Global Movement of Moderates, na nagbibigay-diin sa pagsasagawa ng mga mahinahong paraan para lutasin ang pagkakaiba at hidwaan; at ika-3, Declaration on Institutionalising the Resilience of ASEAN and its Communities and People to Disasters and Climate Change, na naglalayong palakasin ang magkakasamang pagsisikap ng ASEAN para sa pagharap sa mga likas na kalamidad.
Salin: Liu Kai