Sa panahon ng Ika-26 na ASEAN Summit, ipinalabas kahapon ng mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN ang mensahe ng pakikiramay kaugnay ng napakalakas na lindol na naganap sa Nepal noong ika-25 ng buwang ito.
Ayon sa pahayag na ito, ikinasisindak at ikinalulungkot ng 10 bansang ASEAN ang pagkaganap ng lindol na ito, at pagdudulot nito ng malaking kapinsalaan sa Nepal at mga bansang nakapaligid na gaya ng Indya at Bangladesh. Ipinahayag din ng mga bansang ASEAN na aktibo silang lalahok sa pandaigdig na gawaing panaklolo sa mga nilindol na bansa.
Salin: Liu Kai