|
||||||||
|
||
Larawang kinuha sa panahon ng pagliligtas ng China International Search and Rescue Team ng ikalawang tao sa Kathmandu
Ayon sa ulat ngayong araw ng China International Search and Rescue Team, sa gawain ng paghahanap at pagliligtas sa Kathmandu, kabisera ng Nepal na apektado ng napakalakas na lindol, nailigtas nila ang dalawang taong naipit sa guho.
Hanggang kaninang madaling araw, natapos ng naturang grupong Tsino ang paghahanap at pagliligtas sa hilagang bahagi ng Kathmandu. Matapos ito, ipagpapatuloy nila ang gawain sa timog na bahagi at mga karatig na lugar sa lunsod na ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |